Huwebes, Disyembre 10, 2015

                                                                  My Half Sister, My Love!

Wala akong kapatid na babae. Puro sila lalaki. Kaya malapit ako sa mga babaeng simple lang at walang arte. Mula noong Grade 1 pa ako, meron na akong kaibigan na babae. Napakagaan ng loob ko sa kanya.

Palagi ko siyang kasama kahit saan ako magpunta. Tuwing breaktime,magkasama rin kaming bumili ng pagkain sa canteen at pareho rin kami ng binibili. Kung may kaaway ako na iba,kaaway niya rin. In short,palagi kaming magkakampi. Mahal na mahal ko itong bestfriend ko. Kapag may problema ako sa pamilya ko,siya ang pinupuntahan ko at sinasabihan ng sama ng loob ko.

Hanggang dumating yung time na Highschool na kami at kailangan na naming maghiwalay. Iba kami ngayon ng paaralan,pero kahit ganoon hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Nasa ika-3 taon na kami ngayon sa highschool at aaminin ko na namimiss ko na yung dating samahan nami. Sana maging successful siya at magkaroon ng masayang pamilya. Hinding-hindi ko siya makakalimutan. Dahil bukod siya ang matalik kong kaibigan, because she is My Half Sister,My Love!